HINDI MAGBABAGO
Music and Lyrics by Tats Faustino
Performed by Randy Santiago
[Verse 1]
Nang matapos na'ng lahat, ako'y nahirapan
Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan
Pinag-iisipang husto sa naiibang mundo
Kay hirap nang wala sa piling mo
[Verse 2]
Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit ika'y nagbago ng hangarin
Kahit wala na tayo at masakit man sa puso
Ay hindi mawawala, mga alaala
​
[Chorus]
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago
[Verse 3]
Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit iba pa rin ang nangyari
Walang-walang tatalo sa lahat nang dinanas ko
Pagnanais na ika'y mapasaaking muli
​
[Chorus]
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago
​
[Bridge]
Kahit malayo na'y malapit ka pa rin sa aking puso, oh
​
[Chorus]
At hindi magbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to, mananatili 'to
Mananatili 'to at hindi magbabago
At hindi magbabago
