DADALHIN
Music and Lyrics by Tats Faustino
Performed by Regine Velasquez
[Verse 1]
Ang pangarap ko'y nagmula sa 'yo
Sa 'yong ganda ang puso'y 'di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay 'di na mag-iiba
​
[Verse 2]
Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa 'kin ng tunay
At ang tinig mo'y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala
Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo pa no'ng sinabi mong...
​
[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
​
[Verse 3]
Nang mawalay ka sa aking pagsinta
Bawa't saglit, gabing lamig ang himig ko
Hanap ko'y yakap mo, haplos ng 'yong puso
Parang walang ligtas kundi ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umasa pa sa sinabi mong...
[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
​
[Bridge]
Umiiyak, umiiyak ang puso ko
Alaala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo
​
[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Daldalhin (dadalhin hanggang langit ay manibago)
Daldalhin (dadalhin kita sa 'king palasyo)
Daldalhin (dadalhin hanggang langit ay manibago)
Daldalhin